WALA KANG KATULAD
Mula nang kita'y makilala
Walang ibang naaalala
Kung 'di ang tamis ng iyong ngiti
Parang nagsasabing, mahal mo ako
Ibang-iba ka, aking giliw
Sa lahat nang nakilala
Walang ibang naghahatid ng sigla tulad mo, sinta
Wala kang katulad, wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis, wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa, labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad at mahal kita
SA AKING PUSO
Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago
Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa
SANA KAHIT MINSAN
Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa akiy aliw at tila ba itoy hulog pa ng langit
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kitay mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pagibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pagibig na alay ko
Sayo'y tunay
AYOKO NA SANA
Ayoko na sanang magmahal
Ayoko na sanang umibig pa
Ayoko na sanang masaktan
Ang puso kong laging nagdurusa
Ayoko na sanang mabigo
At paglaruan ang aking puso
Ayoko na sana
Ayoko na sana
Nguni't nang ika'y lumayo
Mundo ko'y biglang huminto
Sana'y magbalik ka sa akin, sinta
TUNAY NA LIGAYA
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo, ooh
MINSAN LANG KITA IIBIGIN
Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako
Asahan na 'di maglalaho
Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang
Kung kaya, giliw, dapat mong malaman
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman